Huwebes, Setyembre 22, 2016

Pokemon Go!




        Simula ng ilabas ng kompanyang Niantic ang larong Pokemon Go!, agad naalarma ang maraming tagahanga ng Pokemon noon pa man lalo na ang mga batang 90's. Unang lumabas ang laro sa iOs o apple at di kalaunay naging pwede na din ito sa android phones. 

         Marami ang nagtataka kung bakit talaga namang inabangan ng mga Pilipino ang nasabing laro sa PIlipinas. Para sakin, ito ay dahil sa wakas matutupad na din ng mga mahilig mag pokemon ang pangarap na makaranas na tila Pokemon master talaga sila dahil sila na mismo ang naghahanap ng mahuhuling pokemon.  Ginagamit na nila ang mga parte ng katawan nila tulad ng paa para makapunta sa iba't-ibang lugar para humanap ng gusto nilang pokemon. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na noon, sa mga gameboy lang ito nalalaro at nakokonrol lang ang karakter gamit ang mga button sa gameboy. Ngayon, sa pinalevel-up na paglalaro ng pokemon, mismong ang tao na ang karakter na naghahanap ng pokemon. Kaya naman saan man pumunta at tumingin, sandamakmak ang mg Pilipinong naghahanap ng pokemon para maging Pokemon master. 

        Pormal at impormatibo ang ginamit na wika sa napanood na balita dhail sa ang reporter ay nagbabahagi ng impormasyon na sagot sa tanong na "Ano ba ang meron sa larong Pokemon Go!?" At ito ay idyolek dahil nakasanayang wika ang ginamit sa pagrereport.  

Duterte vs. de Lima


     
      Laman ng mga balita ngayon ang palitan ng maiinit na salita sa pagitan nila President Rodrigo Duterte at senador Leila De Lima. Parehong kilala ang dalawa sa kanilang tapang at paninilbihan sa bayan. Hanggang sa umabot na ang kanilang alitan sa isang kontrobersyang kumakalat ngayon sa  social media. Ito ay isa umanong sex video ng senadora kasama ang kanyang driver. Ang kontrobersyang ito ay nagudyok para sa mmga Pilipino na magbigay ng iba't-ibang opinyon patungkol sa away ng presidente at senadora.

      Bilang parte ng kabataang Pilipino, unang-una sa tingin ko ay di totoo na ang senadora ang nasa nasabing scandal. Halata namang inedit lamang ang vdeo at peke lamang ito. Siguro ay pakana lamang ito ng mga supporter ni President Duterte na nais mapahiya ang senadora. Dapat na itigil na ng presidente at ng senadora ang kung ano mang persoal na away nila. Hindi ito maganda unang una dahil naaapektuhan ang buong bansa sa mga kinikilos at sinasabi nila. Naturingan pa man din silang hinahangaan dahil sa mga posisyong mayroon sila sa gobyerno pero ganito sila kung umasta. Hindi sila nakatutulong sa pagaayos ng mga problemang kinakaharap ng bansa.

     Ang balitang napanood ko ay gumamit ng pormal na antas ng wika dahil sa ito ay ginagamit sa pagbabalita. Ito din ay impormatibo at pambansa dahil sa impormasyong ibinabahagi nito patungkol sa isyu sa pagitan nila President Dutetrte at Senador de Lima sa pammaagitan ng wikang Filipino. 

Lunes, Setyembre 19, 2016

Tatlong Bibe

          
   
  

       Ang kantang Tatlong Bibe ay isang kantang pambata na sumikat ngayong 2016. Nasanay na ang mga Pilipino na ang nasbaing kanta ay tinuturo lamang sa mga bata upang maturuan itong bumilang at maging pamilyar sa tunog na likha ng mga bibe. Kaya naman ng gamitin ito sa teleseryeng Be My Lady sa ABSCBN na pinagbibidahan ng dalaga at binata, natuwa ang mga Pilipino at nagkaroon ng iba't-ibang bersyon nito na kumalat sa mga social networking sites partikular sa Facebook. Mgaing ang mga artista katulad ni Vice Ganda at mga kapwa nya host sa Showtume ay nakisayaw na rin sa bagong uso.
       Nagtataka naman ako kung paano't naging viral ang kantang ito gayong sobrang tagal na naman nitong alam ng mga Pilipino.  Ang mga salitang ginamit naman sa kanta ay pangkaraniwan lang at wala namang ginamit nakakaibang mga salitang nakakapanghikayat. Isa pa, s amga umuusong kanta at trending ngayon, ibang-iba ang paksa na nakapaloob sa Tatlong Bibe. Simpleng kantang pambata lamang ito patungkol sa tatlong bibe na kung saan ang lider sa kanila ay nagsasabi ng "Kwak! kwak! kwak" na talaga namang tunog na likha ng mga bibe, Marahil ay naging malaking bagay talaga na nakaapekto sa pagsikat nito ngayon ay ang paglabas nito sa teleseryeng sikat ngayon. Patunay lamang ito na maging sa mga simpleng kanta, lumalabas ang pagkamalikhain ng mga Pilipino. 
       Ang kantang Tatlong Bibe ay gumamit ng personal na tungkulin o gamit ng wika. Ito ay makikitasa umpisa ng kanta na nagsasbaing "May tatlong bibe akong nakita ..." ngunit maaari ding impormatibo ang gamit ng wika dito sa parehas na linya. Ang antas naman ng wika na ginamit ay kolokyal sa paraang ang mga salitang ginamit tulad ng nakita, bibe, mapayat, pakpak, atbp. ay pangkaraniwang salitang ginagamit sa pangaraw-araw. At ang barayti ng wikang ginamit ay idyolek sapagkat ang tagalog ang ginamit na wika na malamang ay kinagawiang wika ng sumulat ng kantang ito.