Simula ng ilabas ng kompanyang Niantic ang larong Pokemon Go!, agad naalarma ang maraming tagahanga ng Pokemon noon pa man lalo na ang mga batang 90's. Unang lumabas ang laro sa iOs o apple at di kalaunay naging pwede na din ito sa android phones.
Marami ang nagtataka kung bakit talaga namang inabangan ng mga Pilipino ang nasabing laro sa PIlipinas. Para sakin, ito ay dahil sa wakas matutupad na din ng mga mahilig mag pokemon ang pangarap na makaranas na tila Pokemon master talaga sila dahil sila na mismo ang naghahanap ng mahuhuling pokemon. Ginagamit na nila ang mga parte ng katawan nila tulad ng paa para makapunta sa iba't-ibang lugar para humanap ng gusto nilang pokemon. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na noon, sa mga gameboy lang ito nalalaro at nakokonrol lang ang karakter gamit ang mga button sa gameboy. Ngayon, sa pinalevel-up na paglalaro ng pokemon, mismong ang tao na ang karakter na naghahanap ng pokemon. Kaya naman saan man pumunta at tumingin, sandamakmak ang mg Pilipinong naghahanap ng pokemon para maging Pokemon master.
Pormal at impormatibo ang ginamit na wika sa napanood na balita dhail sa ang reporter ay nagbabahagi ng impormasyon na sagot sa tanong na "Ano ba ang meron sa larong Pokemon Go!?" At ito ay idyolek dahil nakasanayang wika ang ginamit sa pagrereport.



