Ang kantang Tatlong Bibe ay isang kantang pambata na sumikat ngayong 2016. Nasanay na ang mga Pilipino na ang nasbaing kanta ay tinuturo lamang sa mga bata upang maturuan itong bumilang at maging pamilyar sa tunog na likha ng mga bibe. Kaya naman ng gamitin ito sa teleseryeng Be My Lady sa ABSCBN na pinagbibidahan ng dalaga at binata, natuwa ang mga Pilipino at nagkaroon ng iba't-ibang bersyon nito na kumalat sa mga social networking sites partikular sa Facebook. Mgaing ang mga artista katulad ni Vice Ganda at mga kapwa nya host sa Showtume ay nakisayaw na rin sa bagong uso.
Nagtataka naman ako kung paano't naging viral ang kantang ito gayong sobrang tagal na naman nitong alam ng mga Pilipino. Ang mga salitang ginamit naman sa kanta ay pangkaraniwan lang at wala namang ginamit nakakaibang mga salitang nakakapanghikayat. Isa pa, s amga umuusong kanta at trending ngayon, ibang-iba ang paksa na nakapaloob sa Tatlong Bibe. Simpleng kantang pambata lamang ito patungkol sa tatlong bibe na kung saan ang lider sa kanila ay nagsasabi ng "Kwak! kwak! kwak" na talaga namang tunog na likha ng mga bibe, Marahil ay naging malaking bagay talaga na nakaapekto sa pagsikat nito ngayon ay ang paglabas nito sa teleseryeng sikat ngayon. Patunay lamang ito na maging sa mga simpleng kanta, lumalabas ang pagkamalikhain ng mga Pilipino.
Ang kantang Tatlong Bibe ay gumamit ng personal na tungkulin o gamit ng wika. Ito ay makikitasa umpisa ng kanta na nagsasbaing "May tatlong bibe akong nakita ..." ngunit maaari ding impormatibo ang gamit ng wika dito sa parehas na linya. Ang antas naman ng wika na ginamit ay kolokyal sa paraang ang mga salitang ginamit tulad ng nakita, bibe, mapayat, pakpak, atbp. ay pangkaraniwang salitang ginagamit sa pangaraw-araw. At ang barayti ng wikang ginamit ay idyolek sapagkat ang tagalog ang ginamit na wika na malamang ay kinagawiang wika ng sumulat ng kantang ito.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento